Ang
Eukaristiya o
Komunyon ay ang "oras ng pagkain" o
Hapunan ng Panginoon o
Piging ng Panginoon na pinagsaluhan o pinagsasaluhan ng mga tagasunod ni
Hesus upang alalahanin ang katawan ni Hesus na ibinigay ni Hesus para sa mga tagasunod na ito. Si Hesus ang nagtatag ng Eukaristiya sa pamamagitan ng paggawa niya ng isang himala: ang paggawa sa
tinapay bilang tunay niyang katawan, at sa paggawa niya sa
alak bilang tunay niyang
dugo. Pinagsasaluhan ang alak upang gunitain ang dugo ni Hesus na pinadaloy para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga tagasunod ni Hesus. Nakakatulong ang piging o pagsasalong ito sa mga sumusunod kay Hesus upang balik-tanawin ang tatlong mga bagay: (a) na si Hesus ay namatay para sa mga tagasunod ni Hesus, (b) na buhay si Hesus at kapiling pa rin ng mga tagasunod niya sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, at (c) na kakain at iinom si Hesus sa piling nila sa kanyang pagbabalik. Sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, tinatawag din ang Eukaristiya bilang "paghahati ng tinapay" (
breaking bread sa Ingles na parirala para rito). Sa
Lumang Tipan ng Bibliya, pinagtibay ng dugo ng mga hayop ang mismong Limang Tipan ng Diyos sa tao. Samantalang sa
Bagong Tipan ng Bibliya, pinagtibay ang mismong Bagong Tipan ng Diyos sa tao sa pamamagitan ni Hesus.