Ang
pamitpit o
kompres ay isang uri ng
pantapal sa sugat. Payak na binubuo ito ng sapin o pad ng telang itinubog o binasa ng isang mainit na katas o ekstrakt ng yerba. Mainam itong mabilis na panghilom ng mga sugat o mga pinsala sa masel. Tinatawag din itong
pamikpik,
payikpik,
pangyipyip,
pangitpit,
pangpais,
kumpresyon,
dagison,
pangligis,
pangsinsin,
pangyasik,
pangtipil,
pangtipi,
pangkipil, o
pangpiyut. Bagaman karaniwang mainit ang pamitpit, ginagamit ang malamig na kompres para sa mga sakit ng ulo.