Sa pangkaraniwang pananalita at sa larangan ng
heometriya, ang
Balisuso - kilala rin bilang
balisungsong,
talulo,
kono,
puntok, o
alimulon, ay isang uri ng
hugis na nalilikha kapag pinaikot ang isang tatsulok na may tuwid na tindig sa paligid ng isa sa dalawang maiiksing mga gilid nito, ang tinatawag na painugan o
axis sa Ingles. Ang disko na nalilikha ng nasa kabilang maiksing gilid ay tinatawag na paanan o
base sa Ingles, at ang tuldok o punto ng painugan o aksis na hindi nasa paanan ay ang dulo o
taluktok (
apex o
vertex) ng balisuso. Ang isang bagay na kahugis ng isang balisuso ay tinatawag na
koniko,
konikal, o parang apa ng
sorbetes.