Ang
Kondado (o
Kawnti) ay isang pangalan para sa isang piraso ng
lupain. Marami itong kahulugan sa iba't ibang wika. Orihinal na ikinakabit ito para tawagin ang isang lupaing napapailalim sa kapangyarihan, pagtaban, o pamumuno ng isang
konde o kaya ng isang
erl, isang opisyal na mas mataas ang ranggo kaysa
biskonde subalit mas mababa ang antas kaysa sa isang markis. Sa kasalukuyan, kalimitan itong may ibig sabihing katumbas ng isang pook na nasa pagitan ng isang mas malaking
estado at ng isang mas maliit na
bayan o distrito. Nagpapanatili ang mga
pamahalaan ng isang kawnti ng sarili nitong mga tala o rekord, at nagdaraos at nagsasaayos ng mga
halalan at mga
batas.