coyote


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Koyote
Ang koyote (mula sa Ingles na coyote, ganito rin sa wikang Kastila; ; Canis latrans), kilala rin bilang lobo ng parang (prairie gray wolf o prairie wolf sa Ingles), ay isang mamalyang sa ordeng Carnivora. Matatagpuan ang mga uri sa kabuoan ng Hilaga at Gitnang Amerika (Sentral Amerika), mula Panama sa timog, hilagang tumatawid ng Mehiko, sa Estados Unidos, at Kanada. Lumilitaw ito hanggang sa malayong hilaga ng Alaska at lahat maliba sa pinakahilagang bahagi ng Kanada. Sa kasalukuyan, mayroong mga kinikilalang mga 19 sub-uri, na 16 ang nasa Kanada, Mehiko, at Estados Unidos; at 3 sa Gitnang Amerika. Hindi tulad ng pinsan nitong abong lobo, na nagmula sa Eurasia, nagmula ang koyote sa Hilagang Amerika kasabayan ng lobong Dire. Iniisip ng ilang mga eksperto na ang pinagmulang Hilagang Amerika ng koyote ang dahilan kung bakit mas adaptibo kesa mga lobo; dahil sa mga presyong prehistoriko na kinasasangkutan ng mas malawak o mas malakas na predasyon (paninila ng ibang hayop para kainin).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.