Ang
pagkamalikhain (Ingles:
creativity), na tinatawag ding pagiging
mapanlikha o pagiging
malikhain (Ingles:
creative), ay ang kababalaghan o penomeno kung saan ang isang tao ay nakakalikha ng bagong bagay (isang
produkto, isang kalutasan, isang gawain ng sining, isang
akdang-buhay, isang
biro, atbp.) na mayroong ilang antas ng kahalagahan. Ang maituturing na "bago" ay maaaring tumutukoy sa
indibiduwal na lumikha o
manlilikha, o sa lipunan o nasasakupan kung saan naganap ang bagong bagay. Ang maibibilang na "mahalaga" o "may kahalagahan" ay kahalintulad na binibigyan ng kahulugan sa samu't saring mga paraan.