Ang
kakok (Ingles:
cuckoo) ay isang pamilya ng mga ibong kilala bilang
Cuculidae. Mayroon silang maliliit na mahahabang mga buntot, kulay kayumanggi, at maikling tukang na nakabaluktot paibaba. Matatagpuan ang mga kakok sa halos karamihan sa mga bahagi ng mundo, partikular na sa mga kagubatan. May ilang mga uri ng mga ito ang nangingitlog sa mga
pugad ng ibang mga ibon para sa pangangalaga at pagpapakain ng mga sisiw. Hinango ang pangalan nitong
cuckoo sa Ingles mula sa pagtawag na pangpagtatalik ng lalaking kakok.