Ang takdang oras ng pagbabawal (Ingles: curfew) ay ang takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga taong sibilyan na lumabas ng kani-kanilang mga bahay. Maaari rin itong tumukoy sa takdang oras o hudyat ng pagpatay ng apoy sa mga kalan ng mga bahay-bahay na ipinaiiral noong unang panahon. Ito rin ang oras o hudyat kung kailan dapat na umalis na sa mga lansangan at umuwi na patungo sa mga tahanan ang mga tao. Tinatawag din itong oras ng pagsasara.