Ang
uretra ay isang tubong umuugnay o kumukunekta sa
pantog patungo sa labas ng katawan. Ito ang nagpapahintulot sa tao at hayop (lalaki man o babae) na makapagtanggal ng ihi mula sa kanilang katawan. Natatabanan o nakukontrol ng tao at hayop ang pag-ihi o urinasyon sa pamamagitan ng paggamit ng ispinkter na uretral. Bahagi ng
sistemang pang-ihi o uretral ang uretra. Dahil sa mamalya ang tao, mayroon itong uretra. Sa lalaking mamalya, bahagi rin ang uretra ng
sistemang reproduktibo, dahil ginagamit ito ng lalaki bilang tubong lagusan o
daanan ng
semilya at
semen sa panahon o oras ng
pakikipagtalik.