dagsin


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Grabidad
Ang Grabitasyon o Grabidad(Ingles: gravity) ay isang natural na phenomenon kung saan ang mga pisikal na katawan(bodies) ay nabibighani o naaakit sa isang pwersang proporsiyonal sa mga masa nito. Ang grabitasyon ay pinakapamilyar na ahente na nagbibigay ng timbang sa mga bagay na may masa at nagsasanhi sa mga ito na bumagsak sa lupa kapat ito ay nahulog. Ito ay nagsasanhi sa mga nakakalat na mga bagay para magtipon at kaya ay nagpapaliwanag ng pag-iral, pagkakabuo at hugis ng mga bagay sa kalawakan kabilang ang mga planeta gaya ng mundo, mga bituin gaya ng araw, at iba pang mga katawang makroskopiko na makikita sa uniberso. Ang "grabitasyon" ang sanhi ng: pagkakapanatili ng mundo at ng ibang mga planeta ng sistemang solar sa mga orbito nito sa araw, pananatili ng buwan sa orbito nito sa mundo, sa pagkakaroon ng mga agos at pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig (pagkati at paglaki ng tubig), sa kumbeksyon (convection; kung saan umaangat ang mga maiinit na pluido sa pamamagitan nito), sa pagpapa-init ng mga panloob ng mga nabubuong mga bituin at mga planeta magpahanggang sa mga labis na pinakamataas na mga antas ng temperatura at marami pang ibang mga phenomena. Ang grabitasyon ay inilalarawan ng pangkalahatang relatibidad bilang kurbada o pagbaluktot ng espasyo-panahon na nangangasiwa ng mosyon ng mga bagay na inersiyal. Ang mas simpleng batas ng grabitasyon ni Newton ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang grabitasyon ay isa sa apat na pundamental na interaksiyon ng kalikasan. Ang iba ay ang elektromagnetismomalakas na interaksiyon at mahinang interaksiyon. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa't mas malayo ang nasasakop nito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.