damit


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kasuotan
Ang damit, pananamit, gayak, panggayak, na kilala rin bilang kasuutan (kasuotan), mga bihisan o mga pambihis (Ingles:clothing;Kastila:indumentaria) , ay mga bagay na pantakip sa katawan ng tao. May mga pananamit na nauukol para sa tiyak na bahagi ng katawan ng tao. Ang punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta, ang mga bisig ng manggas, ang mga binti ng mga pantalon, maong, o palda, ang mga kamay ng mga guwantes, ang mga paa ng mga medyas at ng mga sapatos, mga sandalyas, mga bota, at ang ulo ng mga sumbrero. Yari ang mga kasuotan sa maraming mga materyal, katulad ng mga telang gawa sa bulaklanapolyester, at katad. Sa mga pook na malalamig ang klima, nagsusuot ang mga tao ng mabibigat at makakapal na mga pangginaw.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.