Ang
damo o
graminoid, ay mga halamang may monokotiledon. Kalimitang
herbasyo o
mayerbang halaman ang mga damo. Mayroon itong mga makikitid na dahon na tumutubo mula sa base nito. Kabilang dito ang mga "totoong damo" ng pamilya ng
Poaceae (o
Gramineae) at ang mga pamilya ng Cyperaceae at Juncaceae. Ilan sa mga totoong mga damo ay ang
kawayan. Ilang halimbawa naman ng mga miyembro ng Cyperaceae ay ang
apulid (Eleocharis dulcis) at
Cyperus papyrus. Maraming gamit ang mga graminoid gaya ng
pagkain,
inumin gaya ng
serbesa, pagkain ng hayop, papel, panggatong, damit at paggawa ng buslo.