Ang
pagkabingi o
kahinaan sa pagdinig (Ingles:
deafness,
hearing impairment) ay ang kalagayan ng isang taong
hindi makarinig o hindi mainam ang pandinig. Isa itong katayuan ng pagkakaroon ng tao ng buo o bahagi lamang na bawas sa kakayahang makapansin o makadetekta at makauna ng mga
tunog. Sanhi ito ng malawak na saklaw ng mga biyolohikal at pampaligid na mga bagay. Maaaring mangyari ang
kawalan ng pandinig sa anumang organismong nakakasagap ng tunog. Mas kalimitang ginagamit ang
panghihina ng pandinig o kahinaan sa pandinig sa mga taong hindi nakakarinig, bagaman tinataw ang katagang ito bilang isang negatibong katawagan, partikular na ng mga kasapi ng kulturang bingi o kalinangang hindi makarinig, na mas iniibig o ninanais ang salitang
bingi o
nahihirapan sa pagdinig.