Sa pangkaraniwang paggamit, ang
Orgia o
Orgiya, na kilala sa Ingles bilang
orgy, ay isang pangyayari kung kailan mahigit sa dalawang tao ang
nagtatalik na magkakasama, na minsang tinatawag na
pangkatang pagtatalik o
pampangkat na pagtatalik. Sa ibang kahulugan, ang orgiya ay isang gawain o aktibidad na isanasagawa na walang limitasyon o hangganan o pagbabawal. Orihinal na nagmula ang salita mula sa
Latin, na may orihinal na kahulugang tumutukoy sa isang
piyesta o malaking salu-salo at handaan ng isang mayamang mamamayan. Kapag kumakain ang
sinaunang mga Romano, sila ay halos nakahiga na, at ang pagkain ay dinadala sa kanila ng mga
alipin. Ang mga aliping ito ang nagbibigay din ng kaaliwan na pangkaraniwang kinasasangkutan ng
tugtugin at
sumasayaw na mga alipin.