Ang
Paglalata o
pagdedelata (Ingles:
Canning; ang salitang "delata" ay mula sa pariralang Kastila na
de lata na may pakahulugang "ng lata" na may pahiwatig na "nakalata" o "nasa loob ng lata") ay isang paraan ng
pagpepreserba ng pagkain kung saan ang nilalamang pagkain ay pinupruseso, ipinapaloob, at tinatakpan sa loob ng lalagyang lata na hindi pinapasukan ng hangin. Ang pagdedelata ay nagbibigay ng isang pangkaraniwang tagal ng pagpapanatili ("tagal ng buhay") na sumasakop mula isa hanggang limang mga taon, bagaman sa ilang tiyak na mga kalagayan ang isang produktong idinelata na pinatuyo at pinatigas sa pamamagitan ng lamig, katulad ng dinelatang pinatuyo at pinatigas na mga lentil, ay maaaring magtagal na umaabot sa 30 mga taon na nasa kalagayang makakain. Ang proseso ay unang nilikha at pinaunlad ni
Nicolas Appert bilang isang tuklas ng militar ng Pransya noong 1810. Ang balutan o pambalot na lata ay nakapipigil sa mga mikroogranismong makapasok at mabilisang dumami sa loob.