Ang
demensiya o
demensya (Ingles:
dementia) ang seryosong pagkawala ng mga kakayahang
kognitibo sa isang tao na higit sa inaasahang nangyayari sa normal na
pagtanda nito. Sa mas espesipikong paglalarawan, isa itong kabawasan o pagbaba ng kaparaanan o proseso ng pag-iisp o kaisipan na sanhi ng pagkasalanta o karamdaman sa utak. Kabilang sa mga sintomas ang kawalan ng kakayahang makaalala ng mga bagay, makaunawa at bumuo ng wika, lumutas ng mga problema, gumawa ng mga desisyon at atensiyon.