Ang
depensa (
Ingles:
defense [
Amerikano ],
defence [
Britanya ];
Kastila:
defensa) ay isang salitang tumutukoy sa isang gawaing pagsanggalang o pagprotekta sa isang bagay o nilalang mula sa kamatayan, pagkasira at iba pang panganib. Singkahulugan ito ng
sanggalang,
tanggol at
pananggol. Ginagamit din itong katawagan sa kahit na anumang bagay na magagamit bilang pananggalang o pamprotekta. Katagurian din ito para sa bamper (
fender) na bahagi sa may harapan ng mga sasakyan. Tinatawag namang
depensor ang taong nagbibigay ng proteksyon lalo na ang isang may kaugnayan sa pagpapairal at pagtataguyod ng
batas. Katumbas ng
depensor (Ingles:
defender) ang
manananggol,
tagapagtanggol at
tagapagsanggalang.