Ang
panghimagas,
matamis, o
minatamis (Ingles:
dessert) ay karaniwang matamis na putahe na nagtatapos sa pagkain ng
pananghalian o ng
hapunan. Ang pagkain na bumubuo sa putahe o kurso ay kinabibilangan ng, ngunit hindi hanggang dito lamang, ng mga pagkain matatamis. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga panghimagas na maaaring kabilangan ng mga
keyk (mamon), mga
cookie, mga biskuwit, mga
pastelerya, mga
sorbetes, mga pastel )[empanada), mga
puding at mga kendi. Ang mga
prutas ay karaniwan ding natatagpuan sa mga putahe ng panghimagas dahil sa likas na katamisan ng mga ito. Maraming mga kultura ang mayroong pansarili nilang mga kakaibang anyo ng kahalintulad na mga panghimagas sa buong mundo, katulad ng sa
Rusya na ang maraming mga pagkaing pang-agahan na katulad ng blint, oladi, a] syrniki ay maaaring isilbi na mayroong
pulut-pukyutan at
halea upang maging mga panghimagas. Ang hindi mahigpit na kahulugan ng "putaheng panghimagas" ay maaaring ilapat sa maraming mga pagkain. Sa ilang mga bansa, ang mga
keso na katulad ng kesong Brie at prutas ay inihahain bilang panghimagas. Ang ilang mga panghimagas ay napapalamutian (nadedekorasyunan), katulad ng mga keyk na pangkaarawan. Ang iba naman ay payak, katulad ng pudding. Maraming mga panghimagas ang hinuhurno (niluluto sa loob ng isang hurnuhan). Mayroon namang ibang mga panghimagas na isinsilbing mayroong binating krema bilang pamatong. Kung minsan ang panghimagas ay tinatawag ding
pamutat na may kahulugang "panggilid na pagkain" o "pagkaing palamuti" na kasama ng nakaplatong pangunahing pagkain o putahe.