diberhenteng ebolusyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ebolusyong diberhente
Ang Ebolusyong diberhente o Ebolusyong paglihis ang pagtitipon ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat ng organismo na maaaring tumungo sa pagbuo ng bagong espesye na karaniwang isang resulta ng pagkalat ng parehong espesye sa iba at hiwalay na kapaligiran na humaharang sa daloy ng gene sa mga natatanging populasyon na pumapayag sa pagtatangi ng piksasyon ng mga katangian sa pamamagitan ng pag-anod na henetiko at natural na seleksiyon. Halimbawa, ang biyas ng bertebrata ay isang halimbawa ng ebolusyong diberhente. Ang biyas sa maraming mga organismo ay may isang karaniwang pinagmulan ngunit medyo nagdiberhente sa kabuuang istraktura at tungkulin. Sa alternatibong kahulugan, ang ebolusyong diberhente ay maaaring ilapat sa mga katangiang biolohiyang molekular. Ito ay maaaring lumapat sa isang landas sa dalawa o higit pang mga organismo o uri ng selula. Ito ay maaaring lumapat sa mga gene at protina ng mga sekwensiyang nukleyotida o sekwensiyang protina na humahango mula sa dalawa o higit pang mga homolohosong gene. Ang parehong mga ortolohosong gene(na nagreresulta mula sa pangyayaring espesiasyon) at mga paralohosong gene(na nagreresulta sa duplikasyon ng gene sa loob ng isang populasyon) ay masasabing nagpapakita ng ebolusyong diberhente. Dahil sa huli, posibleng para sa ebolusyong diberhente na mangyari sa pagitan ng mga gene sa loob ng isang espesye. Sa kaso ng ebolusyong diberhente, ang pagkakatulad ay sanhi ng karaniwang pinagmulan gaya ng diberhensiya mula sa isang karaniwang pang-ninunong istraktura o ang tungkulin ay hindi pa nagkukubli ng pinagsasaligang pagkakatulad. Salungat dito, ang ebolusyong konberhente ay lumilitaw kapag may isang uri ng mga tagapagpatakbong ekolohikal o pisikal tungo sa magkatulad na solusyon bagaman ang istraktura o tungkulin ay lumitaw ng independiyente gaya ng iba't ibang mga katangiang nagkonberhente sa isang karaniwang magkatulad na solusyon mula sa iba't ibang mga punto ng pinagmula. Ito ay kinabibilangan mga anolohosong istraktura.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.