Ang
betu-beto,
puntero,
dais, o
dado (Ingles:
die [isahan, bigkas: /day/],
dice [maramihan, bigkas: /days/], mula lumang Pranses na
dé, mula sa
Latin na
datum "isang bagay na binigay o nilaro") ay mga bagay na ginagamit sa mga
laro kapag kailangang alisaga (
random) o naaayon sa pagkakataon o tsansa ang kinakailangang gawin. Karamihan sa mga betu-beto ang hugis maliit na kubong may mga
bilang na 1, 2, 3, 4, 5 at 6 sa ibabaw ng kanilang mga mukha. Kung minsan, mayroon ding mga betu-betong ginagawa na may ibang hugis, bukod sa pagiging kubo, ngunit pangkaraniwang sa mga kakaibang hugis ang may anim na gilid. Karaniwang pinapagulong ng kamay ng manlalaro ang isang betu-beto.