Ang
sawsaw,
pagsawsaw, o
pagsasawsaw (Ingles:
dip) ay isang uri ng
ehersisyo ginagamit sa pagsasanay na nagpapalakas sa
katawan ng tao. Ang makitid at nasa lapad ng
balikat na mga pagsasawsaw ay pangunahing nagsasanay ng mga tricep, na ang pangunahing mga sinerhista (kalahok) na mga masel ay ang anteryor na deltoid, mga masel na
pektoralis o
pangdibdib (mga masel na isternal, klabikular, at menor o hindi pangunahin), at ang mga masel na rhomboid ng likod (sa ganyang pagkakasunud-sunod). Ang pagsasanay na may malawak, malapad, maluwang ang layo ng mga bisig ay naglalagay ng karagdagang diin o pagtuon ng pansin sa mga
masel na pektoral, na kahalintulad sa paraan na ibinibigay ng
pagdiin sa bangko na may maluwang na paghawak o pagpisil ng mga kamay na mas nakatuon sa mga masel na pektoral at kaunti lamang sa mga tricep.