Sa
mitolohiyang Pilipino, ang
Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga
engkanto (
fairies) o nimpa (
nymph). Sinasabing naninirahan sila sa mga
puno, katulad ng aksiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng
kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong nagbibigay ng benipisyo o pinsala sa mga
gubat at mga
bundok. Ito ang baybay
Filipino ng
Sanskrit na salitang
devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na
dev, nangangahulugang
diyos.