Ang
diyakono, binabaybay ding
diakono, ay isang pinuno ng
Simbahan na naglilingkod sa ibang mga tao. Tinatawag na
diyakonesa o
diakonesa ang babaeng diyakuno. May kaugnayan ang salitang diyakonesa sa kasaysayan ng larangan ng
narsing, sapagkat ito ang katawagan sa sinaunang mga nars, mga Kristiyanang kababaihang
walang asawa o
nabalo na dumadalaw at nangangalaga sa mga may sakit at alalayan ang namatayang mga mag-anak.