Ang
diyaryong akademiko o
pahayagang pang-akademya (Ingles:
academic journal) ay isang
peryodiko o peryodikal na sinuri ng mga kasamahan sa larangan o akademya kung saan ang kadalubhasaan sa isang
disiplinang pang-akademya ay inilalathala. Nagsisilbi ang mga diyaryong akademiko bilang mga poro para sa pagpapakilala at paghaharap o pagpapakita na susuriin ng bagong pananaliksi, at ng kritisismo ng umiiral na pananaliksik. Karaniwan itong naglalaman ng mga nilalaman na nasa anyo ng mga
artikulo o lathalain na nagpapahayag ng orihinal na pananaliksik, mga artikulo ng pagsusuri, at mga pagsusuri ng aklat. Ang mga lathalain o publikasyong akademiko o propesyunal (pampropesyon) na hindi sinusuri ng mga kasama sa larangan ay pangkaraniwang tinatawag na mga
magasing propesyunal o
magasing pampropesyon.