Ang
doktrina (
Latin:
doctrina; Ingles:
doctrine) ay ang mga simulain o kaya itinuturong mga prinsipyo, teoriya, o paniniwala. Binibigyang kahulugan din ito bilang isang kodigo ng mga paniniwala o "isang katawan ng mga pagtuturo." Sa kadalasan, may ibig sabihin itong ilang mga
dogmang pangrelihiyon na itinuturo ng
Simbahang Kristiyano. Subalit, maaari rin itong mangahulugan na isang prinsipyo ng
batas, sa mga tradisyon ng pangkaraniwang batas, na itinatag sa pamamagita ng kasaysayan ng nakalipas na mga pagpapasya, katulad ng doktrina ng pagtatanggol ng sarili, o ang prinsipyo ng patas na paggamit. Sa mga bagay na kaugnay ng
patakarang panlabas o
patakarang pangdayuhan, nangangahulugan din ang doktrina bilang isang pangkat ng mga patakarang pundamental o mahahalaga para sa patakaran sa
ugnayang panlabas ng isang
nasyon. Halimbawa ng ganitong mga doktrina ang Doktrinang Monroe, ang Doktrinang Stimson, ang
Doktrinang Truman, ang Doktrinang Eisenhower, ang Doktrinang Nixon, ang Doktrinang Brezhnev, ang Doktrinang Kirkpatrick, at ang Doktrinang Bush.