Ang mga
lumba-lumba (mas kilala sa tawag na
dolphin [Ingles] o
delfín [Kastila]) ay mga
mamalyang pantubig na malapit na kamag-anakan ng mga
balyena at mga posenido (Kastila:
focénido) o
porpoise sa Ingles (mga lumba-lumbang may mga pangong ilong at bibig). Mayroong halos mga 40 espesye ng mga lumba-lumba sa loob ng 17
genera. Nagkakaiba-iba sila sa laki mula sa 1.2 metro (4 na piye) at 40
kilogramo (88 libra), katulad ng dolpin sa Maui,
Hawaii; hanggang sa 9.5 m (30 piye) at 10 tonelada, katulad ng mga
Orka o balyenang mamamatay (Ingles:
killer whale). Matatagpuan sila sa buong mundo, karamihan ang sa mga mabababaw na karagatan ng mga pitak pangkontinente. Mga kumakain ng karne (o
karniboro), at halos
isda at mga
pusit lamang. Ang
pamilyang Delphinidae ang siyang pinakamalaki sa mga
Cetacea, at pinakakaylan lamang lumitaw. Lumitaw ang mga lumba-lumba nang may 10 milyong mga taon na ang nakalilipas, sa kapanahunang
Miocene. Tinatanggap na ang mga dolpin na kabilang sa mga pinakamatatalinong hayop, at ang kanilang kadalasang maamong anyo at tila mapaglarong ugali ang sanhi ng kanilang kabantugan sa
kalinangan ng mga
tao.