Ang
lungaw,
simboryo o
domo ay isang pag-aaring katangiang panggusali sa larangan ng
arkitektura na pangkaraniwang kahawig ng pang-itaas na hati ng isang
timbulog o esperong nasa ituktok ng isang gusali. Sa ibang pakahulugan, isa itong bubong na kahugis ng biniyak na bao. Tinatawag din itong
langit-langitan,
palyo (partikular na ang sa
altar),
bubida, "
limbo", "
yungib", o "
kuweba".