Ang
pamalisan ng paa ay isang patag at karaniwang parisukat na pamunasan o punasan ng paang nilalagay sa may pintuan ng isang bahay. Nilalagay ito sa kaagad na labas o loob ng pasukan ng isang bahay o gusali upang mapahintulutan ang mga tao na tanggalin o palisin ang mga sakong o talampakan ng kanilang mga sapatos o anumang sapin sa paa bago pumasok. Kalimitang gawa ang mga pamalisan sa matibay at matagal masirang mga materyal katulad ng himaymay ng hibla ng bunot ng
niyog, hibla at sanga o tangkay ng
palmira o puno ng
palma (
Arecaceae), nilon, goma, tela, o aluminyo at iba pang mga metal. Maaari ring tinatawag na "pambating banig" ang pamalisan ng paa, sapagkat may kaugnayan sa pagbati ng mga panauhin ang kanilang kinalalagyan, at maaaring magkaroon ng nakasulat na salita, mensahe, o senyas ng pagbati, na maaaring nakakatawa rin at may mga ginuhit na larawan.