Ang
tapay (Ingles:
dough) o
masa, na maaaring isadiwa bilang uri ng "bunton", "salansan", o "tumpok", ay isang makapal at malambot na kumpol na parang pandikit na yari mula sa anumang mga
sereal (mga butil) o mga pananim na lehuminoso (gulay na buto) sa pamamagitan ng paghahalo ng
harina sa maliit na dami ng
tubig at/o ibang likido. Ang prosesong ito ay ang pauna sa paggawa ng isang malawak na samu't saring mga pagkain, partikular na ng mga
tinapay at mga bagay na makatinapay (katulad ng mga
pastelerya, mga bola-bola, mga tinapay na sapad, mga
luglog, mga balat ng tinapay, mga pizza, mga binalumbong tinapay, mga biskuwit, mga
otap (mga
cookie), at kahalintulad na mga bagay. Kabilang sa mga ito ang lahat ng uri o kahalintulad na mga resipi na gawa magmula sa
mais,
bigas,
sorgo (batad) ,
trigo, at iba pang mga
angkak o kaugnay na mga pananim na ginagamit sa buong mundo.