Ang
sirwelas Ingles:
plum,
drupe,
gage,
prune) ay isang uri ng puno o bunga ng
plam na nasa saring
Prunus at kabahaging saring
Prunus. Nahihiwalay ang kabahaging sari mula sa iba pang mga kabahaging sari (kinabibilangan ng
milokoton at
seresa) dahil sa mga usbong na mayroong terminal o hantungang usbong at sa nag-iisang (hindi nagkukumpulan) usbong na panggilid, na mayroong mga bulaklak na nakapangkat ng 1 hanggang 5 at magkakasama sa mas maliliit na mga tangkay o sanga. Mayroon ding hukay ang bunga na gumuguhit sa isang gilid, at isang makinis ngunit matigas na buto.