Ang
duhat (
Syzygium cumini) ay isang palaging-lunting tropikal na puno na nasa mag-anak o pamilya ng
halamang namumulaklak na Myrtaceae, na katutubo sa
Indya,
Pakistan at
Indonesya. Ito rin ang tawag sa bunga ng punong ito na may mangasulngasul na itim na kulay at kahugis ng
ubas na mayroong isang malaking buto sa loob. Kilala rin ito bilang
Jambul,
Jamun,
Nerale Hannu,
Njaval,
Jamblang,
Jambolan,
Itim na Plum (
Black Plum),
Plum na Damson (
Damson Plum),
Plum na Duhat (
Duhat Plum),
Plum na Jambolan (
Jambolan Plum),
Plum ng Haba (
Java Plum), o
Plum na Portuges (
Portuguese Plum). Maaaring tumukoy ang
plum na Malabar (
"Malabar plum") sa iba pang mga uri ng "duhat" o
Syzygium.