Ang
tina o
pangtina (Ingles:
dye) ay isang sustansiyang ginagamit na
pangkulay ng mga bagay o materyales, karaniwang para sa paglalagay o pagbibigay ng
kulay sa
telang ginagamit sa paggawa ng mga
damit o
kasuotan. Tinatawag din itong
anyil o
tayum. Kapag natinahan o nalagyan ng tina ang isang bagay, mabilis na kumakapit sa bagay na ito ang kulay dahil sa mga puwersang kimikal o pisikal. Ngunit hindi tinatawag na pagtitina ang pagkakalagay ng kulay sa isang bagay kung hindi "hinahawakan", pinagtatagal, o pinakakapit ng mga puwersang kimikal o pisikal ang mga kulay sa bagay na ito; sa halip, isa lamang itong "paghawa" o bahid ng
mantsa.