Ang
agham pandaigdig ay tumutukoy sa lahat ng mga agham na may kaugnayan sa
planetang Daigdig. Maaaring sabihin na isang natatanging kaso sa
agham pangplaneta ang agham ng mundo, dahil ang Daigdig lamang ang planetang kilala na may buhay. May parehong reduksiyonista at holistiko sa pag-aaral ng mundo. Ginagamit ang ibang disiplina katulad ng
pisika,
matematika,
kimika at
biyolohiya upang makabuo ng pangunawang kantidad sa mga espera ng daigdig:
- Sinasakop ng heolohiya ang mabatong parte ng daigdig (o litospero) kasama ang kalagitnaan ng planeta, mantel at ibabaw na sapin sa mundo. Nasa ilalim ng pag-aaral ng heolohiya ang mga displinang heopisika, heokimika, paleontolohiya, mineralohiya, inhinyeriyang pangheolohiya, at sedimentolohiya.
- Pinapaliwanag ng osyanograpiya at limnolohiya ang mga matubig na bahagi ng daigdig (o hydrospera) katulad ng karagatan, dagat, lawa at ilog. Kabilang nito ang mga disiplinang pisikal, kimikal, biyolohikal na osyanograpiya.
- Sinasakop ng agham pang-atmospera ang mga bahaging alangaang sa daigdig (o atmospera).
- Sinasakop ng glasyolohiya ang mga mayelong parte ng daigdig (o cryospera).