ebolusyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ebolusyon
Ang Ebolusyon ang pagbabago sa mga namamanang katangian ng mga populasyon ng organismo sa loob ng mga sunod sunod na henerasyon sa paglipas ng mahabang panahon. Ang ebolusyon ang paliwanag na tinatanggap sa agham ng paglitaw ng mga magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga anyo ng buhay sa mundo. Ang sentral na ideya ng ebolusyong biyolohikal ay ang lahat ng mga anyo ng buhay sa mundo ay nagsasalo ng isang pinagmulang karaniwang ninuno. Ito ay nangangahulugang ang mga organismo mula sa mga tao, ibon, mga balyena at hanggang sa mga halaman ay mga magkakamag-anak. Ang karaniwang ninuno na ito ay nagsanga o naghiwalay sa iba't ibang mga species(espesye) sa pangyayaring tinatawag na speciation. Sa paglipas ng mahabang panahon, ang ebolusyon ay lumikha at kasalukuyan pa ring lumilikha ng mga pagbabago at mga iba't ibang espesye sanhi ng mga pagbabagong ebolusyonaryo na natural na seleksiyonmutasyon, daloy ng gene, at genetic drift.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.