ebolusyong pantao


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ebolusyon ng tao
Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid(dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiyaprimatolohiyaarkeolohiyaembryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb. Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa paghahati sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.