Ang
pamamatnugot ay ang proseso ng pagpili at paghahanda ng
wika, mga
larawan o
imahen,
tunog, bidyo, o
pelikula sa pamamagitan ng mga proseso ng pagtatama o pagwawasto, organisasyon, at iba pang mga modipikasyon o pagbabago sa sari-saring mga midya. Tinatawag na
patnugot o
editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng patnugot. Sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot na kinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan. Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng
pangulong tudling o
editoryal. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula.