ehersisyong pampainit


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ehersisyong pampainit
Ang mga ehersisyong pampainit (Ingles: warm-up exercises) ay ang mga galaw na isinasagawa bago ang pagganap ng mga ehersisyong pangkatawan upang buhayin ang nahihimbing na lakas ng mga kalamnan ng katawan. Kabilang sa mga ito ang mga masisigla o dinamikong pag-iinat, pag-uunat, pagbabatak (pagbabaltak), paghahatak (paghahaltak), paghila, o pagbabanat ng mga masel, na kinabibilangan ng mga kilos na mabagal ngunit tinatabanan o kontrolado sa kabuuan ng paggawa ng bawat buong saklaw na galaw. Ang mga ehersisyong pampainit ng katawan ay nakapagpapainam ng antas ng pagganap ng mga ehersisyong pangkundisyon ng atleta o manlalaro (kabilang ang pangkaisipan at pangkatawang mga gampanin), pati na ang pagpapadali ng proseso ng pagbawi o pagpapanumbalik ng lakas ng katawan matapos na makadama ng kapaguran at pamamaga ng mga kalamnan ang atleta dahil sa nagawang mga pangkatawang pagsasanay. Mainam ang mga ehersisyong pampainit, kabilang ang mga dinamikong pag-uunat, sapagkat nakapagbabawas ito ng paninigas ng mga masel, kung kaya't nakababawas din ng maaaring maranasang kapinsalaan sa masel.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.