Ang siko (Ingles: elbow) ay isang naibabaluktot na sugpungan, ugpungan, o dugtungan o kasu-kasuan sa pagitan ng pang-itaas at pang-ibabang mga braso sa katawan ng tao. Tatlong buto ang bumubuo sa siko: ang humerus ng pang-itaas na braso, at ang magkatambal na radius at ulna ng pang-ibabang braso.