Sa
mitolohiyang Griyego, Si
Elektra o
Electra (,
Elektra) ay isang prinsesa ng
Argos (o prinsesang Argibo) at babaeng anak nina Haring
Agamemnon at Reyna
Clytemnestra (o
Klytaimnestra). Siya at ang kanyang kapatid na lalaking si Orestes ang nagplano ng paghihiganti laban sa kanilang inang si Clytemnestra at ama-amahang si Aegisthus dahil sa pagkakapaslang sa kanilang tunay na amang si Agamemnon. Si Elektra ang pangunahing tauhan sa mga
trahedyang Griyegong
Electra ni
Sophocles at
Electra ni
Euripides, at nagbigay ng inspirasyon sa samu't saring iba pang mga gawa. Ipinangalan din kay Elektra ang konseptong pangsikolohiyang
Elektrang kompleks.