Ang
kuryenteng elektriko o simpleng
kuryente ay isang pagdaloy ng
kargang elektriko sa pamamagitan ng isang midyum na
konduktor. Sa ibang pananalita, ito ay ang
daloy ng kuryente na nangangahulugang pag-agos ng
karga ng kuryente. Dinadala ng umaagos na karga ng kuryente sa pamamagitan ng, halimbawa, mga magalaw na
elektron sa isang daluyan, mga
iono sa isang elektrolito o pareho sa isang plasma.