Sa
pisika at inhinyeryang elektrikal, ang isang
konduktor ay isang materyal na naglalaman ng isang magagalaw na mga
kargang elektriko. Sa mga
metalikong konduktor gaya ng
tanso o
aluminum, ang makakagalaw na mga may kargang partikulo ang mga
elektron. Ang mga positibong karga ay maaari ring makagalaw gaya ng kasyonitikong mga elektrolita ng isang baterya o ang mga makakagalaw na proton ng konduktor ng proton ng isang selulang gatong. Ang mga
insulador ay mga hindi nagkokonduktang mga materyal na may ilang mga makakagalaw na karga at tanging sumusuporta sa hindi mahalagang mga kuryenteng elektriko. Sa kaswal na paggamit, ang terminong konduktor ay kadalasang tumutukoy sa isang kawad na gawa sa nagkokonduktang materyal.