Ang
Elektrisidad ay isang hanay na mga phenomenang pisikal na nauugnay sa presensiya at daloy ng
kargang elektriko. Ang elektrisidad ay nagbibigay ng isang malawak na iba ibang mga mahusay na kilalang epektro gaya ng
kidlat,
elektrisidad na statiko,
induksiyong elektromagnetiko at ang daloy ng
kuryenteng elektriko. Sa karagdagan, ang elektrisidad ay pumapayag sa paglikha at pagtanggap ng radiasyong elektromagnetiko gaya ng mga along radyo. Sa elektrisidad, ang mga karga ay lumilikha ng mga elektromagnetikong field na umaasal sa ibang mga karga. Ang elektrisidad ay nangyayri sanhi ng ilang mga uri ng
pisika:
- Kargang elektriko:isang katangian ng ilang subatomikong partikulo na tumutukoy sa mga interaksiyong elektromagnetiko nito. ANg may kargang elektrikong materya ay naiimpluwensiyahan ng at nalilikha ng mga elektromagnetikong field.
- Kuryenteng elektriko:ang isang paggalaw o daloy ng may kargang elektrikong mga partikulo na tipikal na sinusukat sa mga ampere.
- Elektrikong field:Isang espesyal na simpleng uri ng elektromagnetikong field na nalilikha ng isang elektrikong karga kahit ito ay hindi gumagalaw(i.e., walang kuryenteng elektriko). Ang elektrikong field ay lumilikha ng isang pwersa sa ibang mga karga sa paligid nito. Ang mga gumagalaw na karga ay karagdagang lumilikha ng isang magnetikong field.
- Elektrikong potensiyal: ang kapasidad ng isang elektrikong field na gumawa ng isang gawa sa isang kargang elektriko na tipikal na sinusukat sa mga volt.
- Elektromagnet: ang mga kuryenteng elektriko ay lumilikha ng mga magnetikong field at ang pagbabago ng mga elektrikong field ay lumilikha ng mga elektrikong kuryente.