Ang
elektron o
dagisik (
Griyego:
electron, pinagmulan ng salitang
elektrisidad) ay isang partikulong umiikot sa
atomo at may negatibong karga. Ito ay nasa isang landas o orbitong patuloy na umiikot dahil sa atraksyon nito sa mga partikulong may positibong karga o
proton na mahahanap sa
nukleus o
nukleo ng isang atomo. Kapag may pantay na dami ng mga proton at elektron ang isang atomo, tinatawag itong neyutral ang pagka-elektriko.