Ang
elementong kimikal ay isang kalipunan ng mga
atomo na may iisang bilang ng proton sa nukleyo. Ang bilang na ito ay tinatawag na numero atomiko ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atomong may 6 na proton sa kanyang nukleyo ay atomo ng elementong karbon, at ang lahat ng mga atomong may 92 proton sa kanilang nukleyo ay atomo ng elemento
uranyo.