Ang
emu, o
Dromaius novaehollandiae, ay isang uri ng malaking ibon sa
Australya na hindi nakakalipad at kahawig ng ibong
abestrus. Ito ang pinakamalaking katutubong ibon sa Australya at ang nag-iisang umiiral pang kasapi sa saring
Dromaius, ang mga emu. Ito rin ang pangalawang pinakamalaking ibong umiiral pa sa mundo batay sa taas, pagkaraan ng kamag-anak nitong abestrus o
ostrich. Umaabot ang taas ng ibong ito na may kayumangging kulay at malambot na balahibo sa 2 mga metro (6.6 na mga talampakan). Karaniwan ang emu sa halos lahat ng bahagi ng pangunahing lupain ng Australya, bagaman iniiwasan nito ang mga pook na may malaking bilang ng populasyon, makapal at masiksik na mga kagubatan, at tigang na mga lugar. Nakapaglalakbay ang mga emu ng malalayong mga distansiya sa mabilis ngunit matipid na lakad na pakandirit at, kung kailangan, hahagibis na may tuling 50 mga kilometro bawat oras (31 mga milya bawat oras) para sa ilang distanya sa isang bigay na panahon. Pagala-gala silang nagsasamantala at maaaring maglakbay ng malalayong mga distansiya upang makahanap ng makakain; kumakain sila ng samu't saring mga halaman at mga kulisap.