Ang
Ingles ay isang wika na nagmula sa mga wikang Alemanya na isang sangay ng Indo-Europeong Pamilya ng mga wika. May malaking populasyon ng mga nanalita ng Ingles sa
Estados Unidos,
Nagkakaisang Kaharian,
Kanada,
Australya,
Bagong Selanda,
Nigeria,
Irlanda,
Pilipinas,
Hong Kong,
Singgapur at ilan pang mga bansa. Dahil sa inpluwensya ng Kaharian ng Britanya at Estados Unidos, naging Lingua Franca ito sa iba't ibang mga bansa. Ito'y ginagamit pangkawalakan sa mga Komonwelt at mga internasyonal na mga organasasyon. Tinatala na ang total ng mga nanalita ng Ingles bilang unang o ikalawang wika ay 500 Milyon hanggang 1.8 Bilyon na katao.