Ang
salad o
ensalada (
Ingles:
salad,
Kastila:
ensalada,
Pranses:
salade,
Latin:
salata) ay ang paghahalu-halo ng mga malalamit na mga pagkain, na karaniwang kabilang ang mga gulay at/o mga prutas. Kadalasan itong may mga sarsang panimpla (o
dressing), mani, tinapay na
croutons kung tawagin, at kung minsan dinaragdagan din ng mga karne, isda, pasta, keso, o mga buong butil. Kalimitang isinilbi ang mga ensalada bilang mga pampagana bago ihain ang iba pang mas maramihang bilang ng pagkain.