Ang
entidad (Ingles:
entity) ay isang bagay na umiiral na nag-iisa, bagaman ito ay maaaring maging hindi isang pag-iral ng isang materyal, katulad ng mga
abstraksiyon at mga likhang-isip na legal. Sa pangkalahatan, wala ring
sapantaha na ang isang entidad ay
may buhay o gumagalaw (animado). Sa larangan ng
negosyo, ang entidad ay maaaring maging isang tao, isang kagawaran o departamento, isang
pangkat, isang korporasyon, isang
kooperatiba, isang sosyohan (pagsososyo), o iba pang grupo na maaaring pagsagawaan ng
pangangalakal. Sa kung minssan, ang salitang
entidad ay ginagamit sa isang panlahatang diwa ng isang
nilalang, kahit na ang tinutukoy ay umiiral bilang isang materyal o hindi, iyong kadalasan ay tinutukoy bilang isang entidad na walang anyo ng
materya o walang
katawan, katulad na ng
wika. Madalas din itong ginagamit upang tukuyin ang mga multo at iba pang mga
espiritu. Ang salitang
entitatibo ay isang anyong
pang-uri ng
pangngalan na
entidad. Ang isang bagay na entitatibo ay itinuturing bilang puro o dalisay na entidad; na nakaabstrakto magmula sa lahat ng mga kalagayan, iyong itinuturing bilang entidad lamang, na nakahiwalay sa mga umiiral na mga kalagayan o sirkumstansiya.