Ang mga
ensaym,
ensima, o
ensimas (Ingles:
enzyme) ay mga biyomolekula na nagkakatalisa (
i.e., nagpapabilis ng daloy ng) mga
reaksyong kimikal. Halos lahat ng mga nalalamang ensaym ay mga
protina. Subalit may mga molekulang RNA na maaari ring maging epektibong biyokatalista. Ang mga molekulang
RNA na ito ay tinatawag na mga ribosima. Sa mga reaksyong ensaymatiko, ang
molekula na makikita sa simula ng isang proseso ay tinatawag na substrato, at ang ensaym ang bumabago dito para maging ibang molekula na tinatawag na produkto. Halos lahat ng proseso sa isang
biyolihikal na selula ay nangangailangan ng mga enzyme upang magawa sa takdang bilis. Dahil ang mga enzyme ay pinpili ang kanilang substrate at pinapabilis ilang reaksyong kemikal, ang grupo ng enzyme na ginagawa ng selula ay ang nagtatakda ng mga daang metaboliko na nangyayari sa naturang selula.