Ang
kutamaya o
eskudo de armas (Ingles:
coat of arms, literal na "kalupkop ng sandata") ay isang natatanging disenyong heraldiko na nasa ibabaw ng isang
kalasag (tangkakal), eksutyon, tuniko, o kapa na ginagamit na pantakip at pangsanggalang ng baluti at upang makilala ang tagapagsuot. Kung kaya't ang termino ay kadalasang ipinapahayag bilang "kalupkop-baluti", dahil ipipakita ito noong sinaunang kapanahunan sa harap ng isang kalupkop ng tela. Ang kutamaya sa ibabaw ng isang eskutyon ang bumubuo sa panggitnang elemento ng buong napagtagumpayang pangsandata, armoryal o heraldiko na binubuo ng kalasag, pangsuporta, "palong" o "palupo", at bansag o kasabihan (
motto). Ang disenyo ay isang simbolong natatangi sa isang indibidwal na tao, at sa kanyang pamilya, korporasyon, o estado. Ang ganyang mga pagpapakita ay karaniwang tinatawag na "dala-dalahing sandata" o "dinadalang sandata", "kasangkapang sandata", "kasangkapang heraldiko", o payak na mga "armoryal" o mga "sandata" lamang.